Thursday, October 15, 2009

tulala

Sunday, October 11, 2009

Thursday, October 8, 2009

panaginip

Panaginip

By: Phoenixprincess

malinaw sa puso ko

ikaw ang taong minamahal ko

naniwala ako na kaya mo akong mahalin

ibigay ang pag-ibig na tunay sa akin

hindi ako nawalan ng pag-asa

hinintay kita at sa paghihintay ko inibig mo ako

binigay mo ang ninanais ko

at gayun din ako binigay ko ang lahat lahat

buong puso at buhay ko

pero nabigo ako akala ko totoo ka

akala ko minahal mo ako

pero nung simula palang pala’y

sinakyan mo lang ako sa gusto ko

pinaniwala na mahal mo ako

pinaasa na ikaw ang totoo sa lahat ng tao

ngunit mali pala

ang panaginip na mapasakin ka

ay mananatili palang isang panaginip…

kasabay ng kabiguan ko sa pag-ibig mo

unti unti mong piñata ang puso ko

ginawa mong bato ang malambot kung puso

at dahil sayo hindi na ako iibig pang muli…

being broken

Being broken!!

>aba!! Lintik na pag-ibig yan!! Biglang pumapasok sa buhay!! Katangahan bang mahalin ka?!!!

>alam kong magiging napakasakit ng bawat sandaling wala ka na!! sana lang pwedeng nanadito ka habang buhay sa tabi ko, hawak ang kamay ko nakikinig sa bawat sasabahin ko at binibigyang buhay ang bawat minute ng buhay ko!!

>hindi ako makapaniwala!! Iniwan mo na ako!! Walangyang pagmamahal to!! Buong buhay ko sayo lang umikot ang mundo ko!!(langya talaga iniwan mo ko!!)

>dati kung ituring mo ko parang isang prinsesa pero!!(walangya lahat SINIRA MO!!)

>hindi ko naisip na lahat will come to an end even the most beautiful one.

>nagising nalang ako isang araw realizing that this is not a fairytale o isang romantic story!! (oh!! Come on!! I’m so stupid!!)

>fall in love to someone like you!! (isa talaga kong tanga!!)

>I have no choice, I have to let you go! (kahit sobrang sakit na!) I have to bid farewell. (bago pa ko maloka!!) kahit ikaw pa ang pinakamahalagang bahagi sa buhay ko..

>bago ka pa pumasok sa sistema ko.!! Bago pa din a kita maialis sa buhay ko!!. Bago pa lalong maadict ako sayo!!

>but you know??!! (how stupid me!!) I know this is so impertinent!! But I want to tell you!! I love you before, I love you now and I’m still stupidly willing to LOVE YOU FOREVER!!

>tigilan na mga kakornihan at pagiging madrama ko!!

>this the last!!, you don’t know how much this means. You’ve changed my life and terribly change me completely.. ;-(

Thursday, October 1, 2009

poem of life



Mahirap tanggapin ang kamatayan..

Kahit alam nating lahat tayo dun ang pupuntahan..

Mahirap paniwalaan ang mga ganitong pangyayari kaya’t napipilitan nalang tayong tanggapin ang katotohanan..

Tao maikli lang ang buhay..

Alang pinagkaiba sa kamatayan ng isang hayop..

Pati sila dun din ang hahantungan..

Masakit itong katotohanan na ang buhay ay dun lang magwawakas sa pinakasimpleng kamatayan..

Ang iba hindi man lang nakita ang kagandahan ng buhay meron naman nakita ito pero kahit kailan di man lang pinahalagahan…

Lahat gustong baguhin sa mundo..

Ultimo ang pinakasimpleng detalye binabago..

Ang buhay ay isang mundo din na ganyan ang kalagayan sa sitwasyong kagaya nito nasa sarili mong kapalaran kung paano mo gagawing makabuluhan ang buhay mo…

Ito ba ay magiging permanenteng umiikot sa mga bagay na gusto ng maykapal??

O ito ay sadyang iikot sa mapanlaro mong mga kamay??

Nasa iyo ang kapalaran mo…

Tinutulungan ka lang niya kung panu mo malalagpasan ang mga pagsubok na haharapin mo…