
Mahirap tanggapin ang kamatayan..
Kahit alam nating lahat tayo dun ang pupuntahan..
Mahirap paniwalaan ang mga ganitong pangyayari kaya’t napipilitan nalang tayong tanggapin ang katotohanan..
Tao maikli lang ang buhay..
Alang pinagkaiba sa kamatayan ng isang hayop..
Pati sila dun din ang hahantungan..
Masakit itong katotohanan na ang buhay ay dun lang magwawakas sa pinakasimpleng kamatayan..
Ang iba hindi man lang nakita ang kagandahan ng buhay meron naman nakita ito pero kahit kailan di man lang pinahalagahan…
Lahat gustong baguhin sa mundo..
Ultimo ang pinakasimpleng detalye binabago..
Ang buhay ay isang mundo din na ganyan ang kalagayan sa sitwasyong kagaya nito nasa sarili mong kapalaran kung paano mo gagawing makabuluhan ang buhay mo…
Ito ba ay magiging permanenteng umiikot sa mga bagay na gusto ng maykapal??
O ito ay sadyang iikot sa mapanlaro mong mga kamay??
Nasa iyo ang kapalaran mo…
Tinutulungan ka lang niya kung panu mo malalagpasan ang mga pagsubok na haharapin mo…
No comments:
Post a Comment