Thursday, October 8, 2009

panaginip

Panaginip

By: Phoenixprincess

malinaw sa puso ko

ikaw ang taong minamahal ko

naniwala ako na kaya mo akong mahalin

ibigay ang pag-ibig na tunay sa akin

hindi ako nawalan ng pag-asa

hinintay kita at sa paghihintay ko inibig mo ako

binigay mo ang ninanais ko

at gayun din ako binigay ko ang lahat lahat

buong puso at buhay ko

pero nabigo ako akala ko totoo ka

akala ko minahal mo ako

pero nung simula palang pala’y

sinakyan mo lang ako sa gusto ko

pinaniwala na mahal mo ako

pinaasa na ikaw ang totoo sa lahat ng tao

ngunit mali pala

ang panaginip na mapasakin ka

ay mananatili palang isang panaginip…

kasabay ng kabiguan ko sa pag-ibig mo

unti unti mong piñata ang puso ko

ginawa mong bato ang malambot kung puso

at dahil sayo hindi na ako iibig pang muli…

No comments:

Post a Comment